Tuesday, January 8, 2019

Bagong Taon, Bagong Pagbabago

Marami akong inaasahan at gustong mangyari sa taong 2019, una inaasahan ko na magbabago ang ating ekonomiya dahil isa na ang ating bansa sa mababang ekonomiya. Inaasahan ko rin mangyari ay masolusyunan ang trapik  sa ating bansa dahil ito ay nakakaabala sa mga tao. At dapat nilang masolusyunan ang mataas na bilang ng mga naaaksidente na namamatay. Ang gusto ko na mangyari ay matigil na ang paggamit ng ilegal na droga at ipinagbabawal na gamot at matapos na ang "extrajudicial killing" dito sa ating bansa. Dapat nilang pagaralan mabuti ang "death penalty" dahil marami ang hindi sang-ayon dito. Gusto ko ring mangyari ay magkaroon ng mabilis na "internet connection" dahil ito ay mahalaga sa ating mga tao para mapadali ang kanilang trabaho. Inaasahan ko ring tutuparin ng mga tumatakbong politiko ang kanilang pangako sa mga tao at sa ating bansa. Kilalanin din nilang mabuti ang dapat maging lider o mamumuno sa ating bansa. At sana mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan dahil Sila ang pagasa ng bayan. At huling gusto kong mangyari ay maging maganda ang takbo ng aming pamumuhay.

No comments:

Post a Comment