Monday, February 10, 2020

Pagibig sa Panginoon

Pag-ibig ay nagmumula sa ating Panginoon, nilikha niya tayo para magmahalan at magkaisa dito sa mundong ibabaw. Ang pag-ibig ay hindi lamang sa dalawang tao kundi sa pag-ibig sa buong sanlibutan. Ang aking ibabahagi na pag-ibig ay pag-ibig sa Panginoon dahil siya ang nagbibigay ng aking  mga pangangailangan at siya ang centro ng aking buhay. Mula pagkabata hindi ako pumupunta sa simbahan kaya hindi ko naipaparamdam ang pag-ibig ko sa Panginoon. Pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan nabago nila ang aking pananaw, ako ay dumadalo sa mga prayer meeting na nagaganap sa aming simbahan at nakikinig ng salita ng Panginoon. Dahil dito mas malalalim na ang koneksiyon ko Panginoon at nagpapasalamat ako sa mga tao may magandang kalooban dahil nabago nila ang aking pananaw. Buong buhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanila. 

No comments:

Post a Comment